Ang Opus Angelorum ay nakabatay sa walang kondisyong kahandaan na pagsibihan ang DIYOS sa tulong ng mga Banal na Ang layunin ng OA ...

Ang Apat na Saligang Tagubilin

Ang Opus Angelorum ay nakabatay sa walang kondisyong kahandaan na pagsibihan ang DIYOS sa tulong ng mga Banal na Ang layunin ng OA ay ang pagpapanibago ng buhay-espiritwal sa Simbahan sa tulong ng mga Banal na Anghel sa mga pangunahing tagubilin ng Pagsamba- Kontemplasiyon - Pagbabayad-kasalanan at Misyon na dapat isabuhay at isakatuparan sa lahat ng mga sangay ng Gawa ng mga Banal na Anghel.

about image

Ang Pagsamba sa DIYOS

Pagsamba ang unang saligang tagubilin sa Gawa ng mga Banal na Anghel. Habang mas hinahayaan natin ang ating mga sarili na gabayan ng mga Banal na Anghel, mas lalong mabubuhay sa atin ang pagnanais at paghahangad na sambahin ang DIYOS sa ating pang-araw-araw na buhay at lalo na sa Banal na Eukaristiya.

 

Ang mga Banal na Anghel: Tagasamba ng DIYOS

Dahil ang mga Banal na Anghel ay mga nilikhang nabubuhay nang lubos para sa pagsamba sa DIYOS, Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, gayundin ang mga pinuno, at ang apat na nilalang na buhay. Sila'y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa DIYOS. Sinasabi nila, "Amen! Sa ating DIYOS ang papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at lakas magpakailanman! Amen."

 

Ano ang ibig sabihin ng: Sambahin ang DIYOS?

Ang sambahin ang DIYOS ay kilalanin nang may galang at lubusang pagsunod ang “kawalan ng kinapal” na umiiral lamang nang dahil sa DIYOS. Sambahin ang DIYOS ay papurihan Siya, ipagbunyi at magpakumbaba tayo, tulad ng ginawa ni Maria sa Magnificat, kinikilala ang utang na loob niya sa DIYOS na gumawa ng mga dakilang bagay at banal ang Kaniyang pangalan. (cf. Lu 1:46-49). (KIK 2097)

Ang Pagsamba ay kauna-unahang akto ng birtud ng relihiyon. Ang pagsamba sa DIYOS ay pagkilala sa Kaniya bilang DIYOS, upang sabihin ang walang kondisyong “Opo” sa Kaniya bilang isang


– Ang Tagapaglikha, ang walang-hanggang Dakila higit sa lahat ng mga nilikhang bagay,

– Ang Lubos na Banal, hal. Ang sukdulang perpekto (tinataglay ang lahat ng perpeksyon nang walang katapusan, sukdulang higit sa bawat nilikha sa perpeksyon.

– ang pinakamakapangyarihang Tagapagligtas at ang PANGINOON at Puno ng lahat,

– Ang walang maliw at maawaing Pag-ibig

 

Pagsamba sa Banal na Eukaristiya

Ang pinakamataas na pagpapakita ng pagsamba ay ang Sakripisyo ng Banal na Misa, na iniaalay natin kaisa ni KRISTO at kasama ng mga Banal na Anghel, ang ating pagsamba at pasasalamat sa AMA. Ang pagsamba sa Banal na Eukaristiya sa labas ng Misa ay ang pagpapatuloy ng pagsambang ito. Ito rin ay may hindi matutumbasang halaga. Isinulat ni San Alfonso de Ligouri “Sa lahat ng mga debosyon iyong pagsamba kay HESUS sa Banal na Sakramento ang nakahihigit sunod sa lahat ng mga sakramento, pinakamalapit sa DIYOS at ang higit na makatutulong sa atin.”

Sinabi ni San Juan Pablo II:

“Ang Iglesia at ang daigdig ay may malaking pangangailangan sa pamimintuho ng Eukaristia. Hinihintay tayo ni HESUS sa sakramento ng pag-ibig. Huwag tayong manghinayang sa pagtungo sa pagsamba, sa pagdidili-diling may pananampalataya at pagsuyo upang magbayad-puri sa mga mabibigat na pagkukulang at kasalanan ng sanlibutan. Kailan man huwag manghinawa sa ating pagsamba” (Juan Pablo II., Dominicæ cenæ, Nr. 3)

 

Ang Pagiging Simple ng Pagsamba

Ang pagsamba bilang isang tunay na panalangin ay hindi isang bagay na komplikado. Sa kabaligtaran. Ang tanging bagay na dapat nating gawin ay manatili roon nang buong-buo, na samahan ang DIYOS, nang walang maraming salita. Ang Panginoon ay kilala tayo, kung sino tayo. At tiyak na mas masisiyahan ang DIYOS kung naroon lang tayo, buong-buo at hindi nahahati kinikilala Siya bilang ating PANGINOON, ang ating lahat-lahat sa atin kaysa nagsasabi tayo nang magagandang mga salita na sa katunayan ay hindi naman talaga tayo naroon.

Inamin minsan ni Santa Teresita del Niño JESUS: “Kapag ako ay nasa harap ng tabernakulo, Isang bagay lang ang kaya kong sabihin sa ating PANGINOON: ‘DIYOS ko, alam mong mahal kita’ at nararamdaman ko na hindi nakapapagod si HESUS sa aking panalangin.”

 

Pagsamba: isang uri ng pamumuhay

Kung paaanong ang mga Anghel ay nabubuhay sa walang-tigil na pagsamba, gusto rin nila tayong akayin na gawin ang buong buhay natin bilang isang pagsamba sa DIYOS hindi lamang magtakda ng isa-isang akto ng pagsamba (mga panalagin, Banal na Oras).

Sa huli ang pagsamba ay nangangahulugan ng “pagsuko sa DIYOS”. Ang pagsamba ay isang uri ng pamumuhay. Sa pakahulugang) ito isinulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Tesalonica: “Manalangin kayong walang patid.” (1 Tes 5:17). At si San Juan Pablo II ay nagsabi: “ang ating pagsamba ay hindi dapat na tumigil” (Sulat Dominicæ cenæ 3).

 

Paggalang bilang Saligang Saloobin

Ang teksto ng Katekismo na binaggit sa taas ay nagsasalita tungkol sa “paggalang at lubusang pagsunod”. Ang paggalang na ito ay isang mahalagang katangian o isang “saligang saloobin” sa Gawa ng mga Banal na Anghel. Ang tuntunin ng OA ay nagsasabi tungkol sa “saligang saloobin ng paggalang”. Ang unang bagay na itinuturo ng mga Banal na Anghel sa tao ay ang malalim na paggalang sa DIYOS (cf. Ex 3:2-5; Is 6:1-7; Rv 4:8-11; 5:8; 19:10) at sa lahat ng pag-aari ng DIYOS (Zec 3:2; 2 Pt 2:11). (tuntunin ng OA, 40).

Ang takot sa DIYOS ay ang saligang kondisyon para sa bawat tamang posisyon sa harap ng DIYOS, para sa lahat ng nakabubuting gawain, para sa lahat ng paglago. Nagpapanatili ito laban sa pagbabanto ng katotohanan tungkol sa DIYOS. Ang Paggalang ay matibay na angkla para sa pag-ibig at pagtalima.

 

Mula sa takot ng DIYOS ay Nagmumula ang Paggalang


-para sa Banal na Inang Simbahan, para sa bawat pari,

-Para sa lahat ng nakatalaga sa DIYOS, tao man o bagay,

-ngunit pati na rin para sa mga superiors, para sa ibang tao,

-ang mga matatanda, ang mga maysakit, at mga mahihina.
about image

Kontemplasion

Ang ikalawang saligang direksyon sa Gawa ng mga Banal na Anghel ay ang kontemplasion o sa Latin– contemplatio.

 

Ang mga Banal na Anghel: pinagmamasdan nila ang DIYOS

Ang mga Banal na Anghel ay nabubuhay sa bisyon beatipika ng DIYOS (s. Mt 18:10). Tayong mga tao sa lupa ay hindi nabubuhay sa bisyong beatipika na ito ngunit sa pananampalataya sa DIYOS at sa Kaniyang mga gawa. Sa tulong at halimbawa ng mga Anghel gayumpaman dapat tayong maging yaong mga ibinabaling ang kanilang pagtitig ng pananampalataya at pag-ibig sa DIYOS at sa Kaniyang gawa. Ang pagtingin na ito sa DIYOS ay tinatawag nating pagmumuni o kontemplasyon. Dapat kang masanay na magsagawa ng isang pagmumuni araw-araw ayon sa iyong estado ng buhay.

 

Ano ang Meditasyon at Kontemplasion?

Ang Meditasyon o “pagdidili-dili” ay nangangahulugang, tingnan ang DIYOS sa panalangin, makilala ang DIYOS sa panalangin: ang Kaniyang kadakilaan, Kaniyang Kabanalan, Kaniyang Pag-ibig, at iba pa.

Ang Meditasyon ay nakatuon sa kontemplasion, sa isang simple, at mapagmahal na pagtingin kay HESUS. “Tumitingin ako sa Kaniya at tinitingnan naman niya ako’; ito ang kinagawiang sabihin ng magbubukid ng Ars sa kanyang banal na kura hinggil sa panalangin sa harap ng Santissimo. Ang pagpapako ng isip kay Hesus ay isang pagtalikod sa sarili. Ang pagtitig niya sa atin ay nakalilinis sa ating puso.” (KIK 2715)

Sinabi ni Mother Gabriele: “Kung paanong ang mga piraso ng kahoy ay inilalagay sa pugon upang patuloy na magliyab ang apoy, gayon din naman dapat mong hayaang mapukaw ang Salita ng DIYOS sa iyo nang paulit-ulit. Nawa ang apoy na ito ay hindi mamatay”. Ang Pagmumuni ng Salita ng DIYOS at ang paggalang sa Salita ng DIYOS ay napakahalaga sa Opus Angelorum. Ang paksa ng Meditasyon lalo na ang Salita ng Diyos ngunit pati rin ang Krus ang kasukdulan nang mapanligtas na mga gawain ng DIYOS at ang Pag-ibig ng DIYOS.

Sa kaliwanagan ng mga paksang ito ng meditasyon, na ang ibig sabihin ay sa liwanag ng DIYOS, maaari din tayong magnilay sa panalangin tungkol sa mga pangyayari sa ating buhay o sa kasaysayan ng mundo at kilalanin ang “mga tanda ng panahon”. Ito ay ukol sa pagkakakilala sa DIYOS sa mga pangyayari sa ating buhay at personal na tawag ng DIYOS sa akin.

Ang Meditasyon ay ang pagkilala ng mga pagkakaugnay, ang “pagtingin” sa kailaliman. Upang makita ang ilalim ng lawa, gayunpaman, kailangang maging napakakalmado nito. Walang alun-alon ang maaaring dumaan; walang dumi ang dapat na magpalabo nito. Dahil dito ang kahinahunan, katahimikan, pagtahimik at pati na ang kalinisan ng puso ay mahahalagang kondisyon para sa meditasyon.

 

Ang Paraan ng Meditasyon

Nakasulat sa Ebanghelyo: “At iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso.”(Lk 2:19). Si Maria ay nakikinig sa lahat ng sinasabi at ginawa ng DIYOS sa kaniya, at nagninilay niya tungkol dito at pinag-isip-isipan ito sa kaniyang puso. Siya ang ating modelo at guro sa pagmumuni ng salita ng DIYOS.

Sa kaniyang pagkikipag-usap kay Anghel Gabriel sa Pagdalaw ng Anghel (cf. Lk 1:28-36) maaari nating itangi ang tatlong sandali na nagpapakita sa atin kung paano tumutugon si Maria sa salita ng DIYOS at lalo pang naging bukas para dito. Ang tatlong sandaling ito ay: Pagtahimik, Pakikinig at Pagtalima.

 

1. Pagtahimik

Nang marinig ni Maria ang pagbati ng anghel “Magalak ka, ikaw na pinagpala! Ang PANGINOON ay sumasaiyo.” (Lk 1:28), nagbulay muna siya sa katahimikan, “inisip niya sa kanyang sarili kung anong uri ng pagbati kaya ito.” (cf. Lk 1:29).

Kapag nagsasalita sa ating ang DIYOS sa pamamagitan ng Kaniyang salita, ang ating dapat na pinakaunang saloobin ay ang mapagdasal na katahimikan. Ang kakayahan na maging tahimik, ang pagiging tahimik sa panalangin, ang pangunang kailangan sa kakayahan na making. Sa katahimikan lamang nabubuksan an gating puso sa DIYOS at sa Kaniyang Salita. Oo, kailangan natin ng katahimikan ng puso upang marinig, tulad ni Maria, ang tinig ng Banal na Anghel na nagsasalita sa atin sa ngalan ng DIYOS. Ang DIYOS at ang Anhel ay pumapasok sa ating buhay sa katahimikan ng ating puso. Ito ang dahilan kung bakit madalas sabihin na sa simula ng kontemplasion, dapat na “ilagay ng tao ang kaniyang sarili sa presensya ng DIYOS”, magdili-dili at dahil dito ay pagwawaksi ng lahat ng mga bagay na humahadlang sa pagdidili-dili.

 

2. Pakikinig

Ang sinumang kayang manahimik, ay kaya ring making. Dahil si Maria ay may kagawian ng pagdidili-dili, ng katahimikan ng puso, ang kaniyang puso ay lubusang bukas, lubusang nakikinig. Sa katahimikan nakinig siya nang mabuti sa kung ano ang sinasabi ng Anghel. ““At ngayon, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at magsisilang ka ng isang anak na lalaki…vSiya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan (Lk 1:31-32). At nagtanong si Maria, “Paanong mangyayari ito, gayong ako'y dalaga?” Nagtanong siya upang maintindihan ang salita ng DIYOS at pagkatapos ay tanggapin ito nang buong puso.

Ang Salita ng DIYOS ay puno ng mga misteryo. Hindi natin maaasahan na maiintindihan natin ito kaagad at lubusang mauunawaan. Kaya dapat din tayong magtanong sa kontemplasion ng Salita ng DIYOS: PANGINOON, ano ang ibig sabihin ng salitang ito at ano ang gusto mong sabihin sa akin? Ano ang ibig sabihin ng salita Mong ito sa aking buhay? Habang mas natutunan nating ipaloob ang mga sarili sa Salita ng DIYOS, mas lalo tayong lalago sa pag-unawa nito, katulad ng sinabi ni San Gregorio Magno: “Ang pagkakaunawa sa salitang banal ay umuunlad dahil sa pagbabasa nito tuwina. (KIK 94).

 

3. Pagtalima

Pagkatapos na buksan ni Maria ang kanyang puso sa pagtahimik at pakikinig sa Salita ng DIYOS, ngayon ay dumating na ang isang dakilang sandali, ang tanggapin ang salita sa pagtalima at isabuhay ito. “Mapalad ang mga nakikinig sa salita ng DIYOS at tumutupad nito!” sabi ni HESUS. Ang kaligayahang ito ay tumutukoy una sa lahat kay Maria, na sumagot sa tawag ng DIYOS: “Ako'y alipin ng PANGINOON. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” (Lk 1:38).

Ang DIYOS ay tinatawag din tayo sa pamamagitan ng Kaniyang salita. Hindi sapat na pakinggan ang salita ng DIYOS. Inaasahan niya rin sa atin na sundin ang Kaniyang salita nang walang kondisyon at hayaan itong lumaganap sa ating buhay. Dahil dito, paunlarin natin tulad ni Maria, ang katahimikan upang marinig ang salita ng DIYOS, pagnilayan ito nang sa tulong ng mga Banal na Anghel, ito ay palaging maging bago para sa atin at mabisa sa bawat araw ng ating buhay.

 

Ang Tulong ng Anghel na Tagatanod sa Meditasyon

Saksi ang mga banal na anghel sa mga salita at mapanligtas na gawain ng DIYOS sa kasaysayan ng kaligtasan. Naroon din sila sa buong buhay ni HESUS, “Mula sa Pagdalaw ng Anghel hanggang sa Pag-akyat sa Langit ng PANGINOON, ang buhay ng Verbong nagkatawang-tao ay napapaligiran ng pagsamba at paglilingkod ng mga Anghel” (KIK 333). Inihahatid sa atin ang liwanag ng mga misteryong ito sa kasaysayan ng kaligtasan, depende sa ating kahandaan at pagpayag.

Dahil ang mga banal na anghel ay


1. nakikita ang lahat ng bagay sa liwanag ng DIYOS (mapalad na bisyon ng DIYOS.)

2. ang natural nilang kaalaman ay hindi “sunud-sunod” (induktibo) tulad sa ating mga tao, subalit nakikita nila “kaugnay ng bawat isa” at “nasa bawat isa” (natural/automatiko)

3. at hindi kayang gawing madilim ng kasalanan ang kanilang pag-iisip.

 

Sa kontemplasion, sa isang pakahulugan, ay ipinipinit natin ang ating mga mata sa mundo at binubuksan ang mga ito sa Kaharian ang DIYOS. Maaaring liwanagan ng mga banal na anghel ang ating isip at ating mga pandamdam upang ating masabi: “Ngayon ay naliwanagan na ako!”

Binubuksan ang Anghel na Tagatanod ang ating mga pandamdam para sa DIYOS. Ipinadadala ng DIYOS ang kaniyang mga banal na anghel upang “palawakin” nila ang ating pandamdam. Lalo na ang tinatawag na tatlong mga pandamdam ng buhay: paningin, pandinig, pandamdam. tatlong ito ay kailangang-kailangan buhay ng tao. Dahil dito tayo ay dapat na maging:


1. Matalas na paningin para sa lahat ng ipinapakita ng anghel sa atin sa pamamagitan ng mga larawan;

2. Magkaroon nang matalas na pandinig para sa lahat ng mga bagay na tahimik na sinasabi sa atin ng anghel;

3. Madaling makaramdam sa lahat ng bagay na hinihikayat ng anghel na gawin natin.
about image

Pagbabayad ng Kasalanan at ang Passio DOMINI

Ang saligang direksyon ng pagbabayad ng kasalanan ay tinuturuan tayo higit sa lahat na “gumawa ng mga sakripisyo dahil sa pagmamahal sa DIYOS at sa kapwa. “Kung hindi tayo handang gumawa ng sakripisyo dahil sa pagmamahal sa DIYOS at sa kapwa, upang mag-alay ng kaunti nating oras o iba pang mga bagay, anong uri ng pag-ibig iyon?” Sabi ni Mother Gabriele: “Ang tagumpay ng pag-ibig ay ang sakripisyo na inialay sa DIYOS dahil sa pagmamahal!” (Mga Salawikain). Ang gumawa ng sakripisyo ay walang iba kundi ang magbigay sa DIYOS o sa ating kapwa ng isang kalooob ng pag-ibig. Ang isang kaloob ng pag-ibig ay nagpapaalab ng pag-ibig at iyon rin ang dapat na maging hantungan ng anumang sakripisyo o pagbabayad ng kasalanan. Sinabi ni Mother Gabriele: “Buong araw ay DIYOS ay naghihintay sa likod ng iyong mga gawain at mga sakripisyo para sa iyong pag-ibig!” (Mga Salawikain). Nagbibigay tayo nang malaking kagalakan sa DIYOS kapag tayo ay kumikilos para sa kaligtasan ng mga kaluluwa at siyempre gayundin sa ating Anghel na Tagatatanod. “May higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumalikod sa kasalanan” (cf. Lk 15:7.10.23f).

Gusto ng DIYOS higit sa lahat ang ating puso, ating mabuting kalooban. Hindi siya humihingi ng anumang imposible, kahit na ang ating maitutulong ang napakaliit, ang pag-ibig ng DIYOS ay kaya itong gawing isang dakilang bagay. “Kung namumulot ako ng isang pirasong dayami dahil sa pagmamahal sa DIYOS, maaari Niya itong gamitin upang iligtas ang isang kaluluwa” sabi ni Santa Teresita del Niño JESUS. Dahil dito: maaari tayong magbigay nang walang-hanggan, mapangligtas-kaluluwa at nagpupuri-sa-DIYOS na halaga sa bawat bagay sa pamamagitan ng isang “HESUS, dahil sa pagmamahal sa Iyo at para sa Iyo.

 

Ang Tulong ng Anghel na Tagatanod sa Saligang Direksyon ng Pagbabayad ng Kasalanan

Ang ating Banal na Anghel na Tagatanod ay tinutulungan tayong magsimula sa maliliit na mga sakripisyo sa ating pang-araw-araw na buhay. Tinuturuan niya tayo unang-una na pagsilbihan at tulungan ang iba, maging sa pamilya man natin ito o sa pagsasagawa ng isang apostolado sa Simbahan, sa publiko man ito o sa isang tagong paglilingkod na hindi nakikita ninuman.

Ang ating Anghel na Tagatanod ay alam din na ang pagbabayad ng kasalanan ay nagsisimula sa maliliit na mga sakripisyo sa pang-araw-araw na buhay, sa araw-araw na pagsisikap na ginagawa natin dahil sa pag-ibig sa DIYOS at sa kapwa. Kaya nga katulad siya ng anghel sa Hardin ng Getsemani (Mk 14:32) na dumating upang palakasin si HESUS sa Kanyang Pasyon (cf.Lk 22:43). Hindi inaalis ng ating Anghel na Tagatanod ang mga paghihirap, nguinit binibigyang-sigla niya tayo upang tanggapin ang mga ito dahil sa pagmamahal sa DIYOS at sa kapwa. Mas may kamalayan siya kumpara sa atin tungkol sa walang-hanggang halaga at epekto nang maliliit, hindi kapansin-pansing mga sakripisyo ng pang-araw-araw na buhay. Tinutulungan niya tayong paglabanan ang mga dahilan kapag gusto nating umiwas sa isang sakripisyo. Pinalalakas niya tayo upang magsabi ng “Oo” sa imitasyon ng PANGINOONG Ipinako sa Krus. Liliwanagan niya tayo upang mainitindihan ang halaga at pangangailangan ng pag-ibig na nagbabayad ng kasalanan. Maaaring ilagay ng ating Anghel na Tagatanod sa ating isip ang isang pangalan o isang tao, upang palagi natin siyang maalala. Makikita natin dito ang isang udyok na magdasal para sa taong ito o gumawa ng sakripisyo para sa kanya.

Ang pagsunod sa Tagapagligtas na ipinako sa krus sa diwa ng pagbabayad ng kasalanan ay nagiging tunay sa ating ordinaryong pang-araw-araw na buhay at sa pagtanggap at pagpasan ng araw-araw na mga krus at malaking paghihirap dahil sa pagmamahal sa DIYOS. Sa likod ng bawat krus na tinatanggap natin sa diwa ng pagbabayad ng kasalanan ay matatagpuan sa huli ang walang katapusang karunungan at pag-ibig ng DIYOS. Dahil dito hindi natin kailagang katakutan ang Krus.

about image

Misyon

Kadalasan, ang salitang “misyon” o “ipinadala sa isang misyon” ay nangangahulugan para sa atin na isang gawain ang kailangang maisakatuparan at madalas ito ay nangangailangan ng kalayuan. Ang isang tao ay ipinadadala “sa ibang lugar”. Sa Banal na Kasulatan, ang pagbibigay-diin ay naiiba. Ang kalayuan ay hindi binibigyang-diin kundi ang malapit at personal na relasyon sa pagitan ng nagpadala at ng ipinadala, hal. ang malalim na pagkakaisang panloob na ginagawang “nakikita” ang nagpadala sa ipinadala. Si KRISTO, ang ipinadala ng AMA ay nagsasabi: “Ang nakakita sa Akin ay nakakita na sa AMA” (Jn 14:9).

 

Ang Misyon ni HESUS

Kung nais nating maunawaan ang saligang direksyon ng misyon sa tamang paraan, kailangan nating magnilay sa misyon ni HESUS. Ang ating misyon ay dapat na maging pagpapatuloy ng Kanyang misyon: “vKung paanong isinugo Mo (ang AMA) Ako sa sanlibutan, gayon din naman, isinusugo Ko sila sa sanlibutan” (Jn 17:18).

Ang batayan) ng misyon ni HESUS ang Kanyang pakikipagkaisa sa AMA (cf. Jn 14:11). Sinabi Niya: “Hindi sa Akin galing ang sinasabi Ko sa inyo. Ngunit ang AMA na nasa Akin ang siyang gumaganap ng Kanyang gawain.” (Jn 14:10).

At kung paaanong si HESUS na sa Kanyang misyon ay nasa palagiang pakikipagkaisa sa AMA, para sa atin ang “Pananatili-kay-HESUS” ang unang pinakamahalagang kondisyon sa bawat misyon: vManatili kayo sa Akin at mananatili din Ako sa inyo. (cf. Jn 15:4) Sa ganitong paraan lamang maaari tayong “mamunga” (cf. Jn 15:4)! Dahil dito ang misyon ay kinakailangan pa muna ng tatlong iba pang saligang direksyon.

Ang ikalawang kondisyon para sa pagsasakatuparan ng misyon ay pagtalima sa nagsusugo. Sinabi ni HESUS: “vAko’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili Kong kalooban, kundi ang kalooban Niya na nagsugo sa Akin.” (Jn 6:38; cf. 4:34). Ang pagsisikap na tuparin ang kalooban ng DIYOS sa lahat ng bagay ay dapat ding maging para sa atin.

 

Ang Tiwala sa DIYOS na nagsusugo – ang Pagkapangunahin ng Grasya

Ang ikatlong kondisyon para sa misyon ay ang tiwala sa DIYOS, na nagsusugo. Hiningi ni HESUS mula sa Kanyang mga disipulo ang tiwalang ito nang isinugo Niya sila: “vHuwag kayong magdadala ng lalagyan ng salapi, o supot, o mga sandalyas” (Lk 10:4). Nasa kahingiang ito ang paghimok na magtiwala sa DIYOS, sa DIYOS lamang.

 

Tulong mula sa mga Banal na Anghel

Upang tayo ay makapagbigay ng tunay na pagsaksi kay KRISTO sa salita at sa gawa, kailangan natin ng tulong mga mga Banal na Anghel. Sinabi ni Santo Tomas ng Aquino na ang mga katotohanan ng ating pananampalataya ay inihatid unang-una sa atin sa pamamagitan ng mga Banal na Anghel, “na naghahayag sa tao ng mga Misteryo ng DIYOS. Dahil dito ang mga anghel ay tumutulong sa pagkaunawa ng ating pananampalataya. Si San Francisco ng Sales ay nagpatotoo sa katotohanang ito sa pamamagitan ng paghingi ng tulong mula sa mga Anghel na Tagatanod ng kanyang mga tagapakinig bago siya magbigay ng bawat homilia. niya. At tulad ng alam natin, tinulungan niyang magbalik sa pananampalatayang katoliko ang mahigit 70, 000 na tao.

Ang misyon upang ipalaganap ang kaharian ng DIYOS ay magkasamang gawain sa pagitan ng anghel at mga tao. Ang ating banal na Anghel na Tagatanod ay tutulungan tayo upang ipahayag ang ating pananampalataya sa salita at sa gawa. Para dito hindi na tayo nangangailangan pang magsagawa ng mga malalaking apostolado. Maisasakatuparan din natin ang gawaing ito sa matapat at mapagkumbabang pagsasagawa ng ating mga tungkulin sa ating estado ng buhay. Dahil hindi maraming salita ang nakahihikayat kundi ang halimbawang ating isinasabuhay. Kung ano ang ating ginagawa ay hindi mas mahalaga sa kung paano natin ito isinasagawa, dahil ang maka-DIYOS na pag-ibig lamang ang magpapanibago at magliligtas sa mundo. At para dito, ang mga banal na anghel na ang pagtulong ay gusto nating hingin para sa misyon, ay tinutulungan tayo.