Kung paaanong ang ibang mga espiritwalidad ay may tipikal na mga kasabihan, katulad halimbawa ang “Totus tuus” ni Papa Juan Pablo II, gayundin ang espiritwalidad ng pagtatalaga sa mga Banal na Anghel sa Opus Angelorum ay maaaring makilala sa mga salitang “cum Sanctis Angelis” na ang ibig sabihin ay “kasama ng mga Banal na Anghel” o “kaisa ng mga Banal na Anghel.”
Itong pamumuhay kasama at kolaborasyong espritwal ng mananampalataya sa mga Banal na Anghel, na binubuuo, ayon sa mga nabanggit na mga batas, ang natatanging “katangian” ng Opus Angelorum, ay malinaw na nangangailangan hindi lamang ng pananampalataya at ng pagmamahal para sa mga Banal na Anghel - at sa unang-una para sa sariling Anghel na Tagatanod-ngunit pati na rin sa matalinong paggamit ng pamantayang “pagsusuri ng mga espiritu”, pang-araw-araw na pagpili at pagsasabuhay kung ano ang mabuti at iwasan at labanan kung anuman ang masama.
Mababasa unang-una sa Katekismo ng Iglesya Katolika “ang pagkakaroon ng mga anghel na spiritual, na walang katawan, na laging tinatawag ng Banal na Kasulatan na mga anghel ay isang katotohanan ng pananampalataya.” (KIK 328). “Nang buo nilang pag-iral ang mga Anghel ay mga tagapaglingkod at mensahero ng DIYOS. Sapagkat ‘walang tigil silang nakatingin sa mukha ng AMANG nasa langit’ (Mt. 18: 10), sila ang mga dakilang tagapaggawa ng Kanyang mga kautusan, handang sumunod sa tinig ng Kanyang salita” (Awit 103: 20) (KIK 329); Sila ay mga kinapal na personal at walang kamatayan. (KIK 330).
Si HESUKRISTO ay hindi lamang ang sentro ng tao, kundi sentro rin ng mga anghel: “Si KRISTO ang sentro ng daigdig ng mga anghel. Sa Kaniya ang mga anghel, sapagkat nilikha Niya sila bilang mga mensahero ng Kanyang balak tungkol sa kaligtasan” (KIK 331). Ang mga anghel ay naroon na mula pa sa paglalang at sa buong kasaysayan ng kaligtasan, “naghahatid sa malayo o malapit ng kaligtasang gumaganap ng mga balak ng DIYOS” (KIK 332).
Dahil dito, ang paglilingkod na ito ay tumutukoy mismo sa Salitang naging Tao at sa Kanyang Katawan sa mundo, ang Simbahan. “Mula sa Pagkakatawang-tao hanggang sa Pag-akyat, ang buhay ni KRISTO ay napapaligiran ng pagsamba at paglilingkod ng mga Anghel… Ipinagsanggalang ang batang si HESUS noong Siya’y isinilang, naglingkod sila sa Kanya sa ilang, pinatatag nila Siya sa Kanyang paghihirap sa Hardin, inililigtas sa kamay ng mga kaaway tulad ng nakaraan sa Israel.198 Ang mga Anghel din ang nagbalita tungkol sa Pagkakatawang-tao at Muling Pagkabuhay ni KRISTO. (Lk 2:10) Sa Ikalawang Pagdating ni KRISTO, na ibinalita ng mga Anghel sila rin ang maglilingkod sa paghuhukom ng PANGINOON” (KIK. 333.)
“Hanggang sa pagdating ni KRISTO, ang buong buhay ng Simbahan ay nakikinabang sa tulong ng mahiwaga at makapangyarihang mga Anghel” (Kat. 334). Ang Simabahan ay nakababatid sa mga katotohanang ito at kumikilos nang naaayon: “Sa kanyang liturhiya, ang Simbahan ay umaanib sa mga Anghel upang sambahin ang DIYOS na santatlong banal. Hinihingi niya ang kanilang tulong at ipinagdiriwang ang pista ng ilang mga anghel – (San Miguel, San Gabriel, San Rafael at mga anghel na tagatanod)” (KIK 335).
Dahil dito, “Mula sa pagkabata hanggang sa pagkamatay, ang buhay ng tao ay naliligiran ng kanilang pangangalaga at tulong. ‘Ang bawat binyagan ay may Anghel na tagatanod na nag-aalaga at nag-iingat sa kanya,’ (Basil, Eun 3, 1) Mula sa lupa, ang buhay ng kristiyano ay nakikinabang sa katipunang maluwalhati ng mga anghel at ng mga taong nakaanib sa DIYOS sa langit” (KIK. 336). Dahil dito, nararapat lamang na: “Iginagalang ng Simbahan ang mga Anghel na tumutulong sa kaniya, sa kaniyang paglalakbay sa mundo patungong langit at nag-iingat sa lahat ng tao” (KIK 352).
Ang Opus Angelorum ay nakabatay sa walang kondisyong kahandaan na pagsibihan ang DIYOS sa tulong ng mga Banal na Anghel at mayroon itong layunin ng pagpapanibago ng buhay-espiritwal ng Simbahan sa tinatawag na mga saligang tagubilin (o mga dimensyon)” pagsamba, kontemplasion, pagbabayad ng kasalanan at misyon (apostolado).
Ang tulong ng mga Banal na Anghel at ang pakikiisa ng tao sa kanila ay nagpapahintulot sa huli na isabuhay nang mas mabuti ang kanilang pananampalataya at magbigay saksi dito nang may mas higit na lakas at matibay na paniniwala. Sa katunayan, ang mga Banal na Anghel ay walang tigil na pinagmamasdan ang mukha ng DIYOS. (cf. Mt 18:10) at namumuhay sa walang-tigil na pagsamba. Dahil dito, sa partikular na mabisang paraan, maaari nilang liwanagan ang mga mananampalataya na buong-pusong binubuksan ang kanilang mga sarili sa mga pagkilos ng mga Anghel. Ang mga mananampalatayang ito ay tinutulungan ng mga Anghel na pagnilayan sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga banal na mga misteryo: ang DIYOS mismo at ang Kaniyang mga gawa (theologia at oikonomia, CCC 336), upang lumago sa kaalaman at pag-ibig sa DIYOS, upang manatili sa Kaniyang presensya at isabuhay ang isang partikular na magalang at mapagmahal na pagsamba, lalo na ang Pagsamba sa Eukaristiya, ay ang una sa lahat sa Opus Angelorum.
Kung paaanong ang ating PANGINOONG HESUKRISTO mismo ay binigyang-lakas ng Makalangit na AMA sa pamamagitan ng isang Anghel upang pasanin ang mapanligtas na Pasyon (cf. Lk 22:43), gayundin ang mga miyembro ng Opus Angelorum ay umaasa sa tulong ng mga Banal na Anghel sa pagsunod kay KRISTO sa mapagbayad-kasalanang pag-ibig para sa pagpapabanal at kaligtasan ng mga kaluluwa, at lalo na para sa mga pari.
Kasama ng pagpapahintulot sa Opus Angelorum, ang Simbahan ay nagbigay ng basbas sa isang samahang na may tiyak na pagkakakilanlan ng natatanging debosyon sa mga Banal na Anghel, ngunit gayundin at talagang- ayon sa mga katangiang taglay ng mga Anghel- sa pamamagitan ng walang kondisyong pagbaling sa DIYOS, at sa pagsisilbi sa Kaniya, kay KRISTO ang Tagapagligtas, sa Krus at sa Eukaristiya sa karangalan ng DIYOS at para sa pagpapabanal at kaligtasan ng mga kaluluwa. Ang buhay na kamalayan sa presensya at sa misterysoso at makapangyarihang tulong ng mga Banal na Anghel, ang mga tagapaglingkod na ito ng DIYOS, ay angkop upang ganyakin ang mga mananampalataya upang italaga ang kanilang mga sarili nang may pagtitiwala sa una at mahalagang misyon ng Simbahan: ang kaligtasan ng mga kaluluwa at ang kaluwalhatian ng DIYOS (cf. L’Osservatore Romano, ika- 23 ng Marso, 2011, pp. 12, 15)
Upang maabot ang mga dakilang layuning ito ng Opus Angelorum, kailangan nating pasyahin, ayon kay Mother Gabriele na: