Para sa mga laiko, mayroong isang taon ng formation program. Mayroong mabibiling Formation Booklet para dito. Ang mga laiko na nagnanais na sumali sa Formation Program na ito ay kailangang isinasabuhay ang kanilang pananampalatayang Katoliko, tapat sa Simbahang Katoliko at sa mga turo nito, nagpapakita ng pagmamahal sa espiritwalidad ng OA at sa panalangin. Kailangang may pagmamahal nila ang kanilang Anghel na Tagatanod at kilalanin ang kaniyang tulong.
Ang Formation na ito ay napakabuti upang mapalalim ang iyong buhay espiritwal, napakabuti rin nito para sa mga samahan sa parokya at mga taong nagnanais na palalilim ang kanilang buhay espiritwal.
Ang mga bata na nagnanais na magtalaga ng sarili sa Anghel na Tagatanod ay inihahanda ng kanilang mga magulang, lolo o lola, mga tagapangalaga o mga katekista. Mangyari lamang na ipaalam ito sa amin upang makapagpadala ng mga handouts.
Ang mga pari, pati na mga relihiyoso at relihiyosa ay maaaring makapagtalaga ng kanilang sarili sa Anghel na Tagatanod pagkatapos na mapalalim ang kanilang kaalaman tungkol sa presensya at misyon ng mga banal na Anghel at ang kalikasan ng pagtatalaga para sa kanilang bokasyon bilang pari, relihiyoso o relihiyosa sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro mula sa amin o pagdalo sa mga talks at recollection na ibinibigay ng mga pari mula sa Order of the Holy Cross.
Ang mga pari, sa pamamagitan ng pagtatalaga sa Anghel na Tagatanod, ay maaaring makinabang mula sa tulong ng kaniyang Anghel na Tagatanod sa kaniyang personal na pagpapakabanal at ministeryong pastoral.