• Order of the Holy Cross
  • Sisters of the Holy Cross
  • Missionary Auxillary Sisters of the Holy Cross
about image

Ang Order of the Holy Cross

Ang Order of the Holy Cross (ORC) ay ipinanumbalik ng mga pari ng OA noong ika-29 ng Mayo sa taong 1979. Ang mga miyembro nito ay mga paring relihiyoso at mga relihiyoso. Ang buhay konsagrada ng kongregasyong ito ay malalim na nakaugnay sa mga Banal na Anghel. Ang buhay nila ay parehong aktibo at kontemplatibo.

Kasama ng mga Banal na Anghel, ay:


  • Sinasamba nila ang Banal na Eukaristiya,

  • Pinagninilayan nila ang Salita ng DIYOS, ang Kaniyang mga Misteryo sa tulong ng kanilang liwanag;

  • Ibinibigay ang kanilang mga sarili upang magbayad-sala para sa kasalanan ng sangkatauhan;

  • At kaisa nila ay ipinahahayag ang Mabuting Balita ng kaligtasan, saanman sila ipadala ng DIYOS.


  • Ang Order of the Holy Cross ay ang nangangalaga sa Opus Angelorum. Sila ay nagbibigay ng mga Recollections lalo na tungkol sa mga Banal na Anghel maliban sa mga gawaing pastoral na karaniwang ginagawa ng isang pari.

     

    about image

    Sisters of the Holy Cross

    Ang Sisters of the Holy Cross in the Opus Angelorum ay nagmula sa Confraternity of the Holy Guardian Angels sa Opus Angelorum. Ito ay naging Diocesan Institute of Consecrated Life na itinatag ng Iglesia noong ika-9 ng Nobyembre 2002 sa pamamagitan ni Bishop Alois Kothgasser. Ito ay kinilala ng Congregation for Religious bilang Religious Institute of Pontifical Right noong ika-25 ng Abril taong 2018.

    Si MARIA, ang Birheng Ina ng DIYOS ang kanilang modelo sa lahat ng bagay. Ang salita ni HESUS noong Siya ay nakabayubay sa Krus, “Ginang, masdan mo ang iyong anak” ay kanilang itinuturing na kagustuhan ng DIYOS para sa kanilang buhay at kabanalan.

    Sa kanilang pang-araw-araw na Liturhiya at Pagsamba sa Banal na Sakramento, pinararangalan nila ang DIYOS at nagdarasal para sa Simbahan, para sa Santo Papa, sa mga pari at para sa lahat ng tao.

    Bilang pagsunod sa halimbawa ni MARIA, ang Lingkod ng PANGINOON, isinasagawa nila ang mga pang-araw-araw na gawain sa loob ng kumbento, sa tanggapan ng Opus Angelorum upang tulungan ang mga pari at relihiyoso sa Order of the Holy Cross.

    Ipinalalaganap din nila ang debosyon sa mga Banal na Anghel sa pagsama sa mga recollections, mga misyon sa mga paaralan at pagtulong sa mga apostolado ng Opus Angelorum.

     

    about image

    Missionary Auxillary Sisters of the Holy Cross

    Sila ay nabibilang sa instituto sekular. Sila ay mga konsagrada na bagamat nabubuhay sa daigdig ay naghahangad ng ganap na pagmamahal at nagsisikap sa ikapagiging banal ng daigdig mula sa loob nito.” (CIC Can 710). Nabubuhay sila sa isang maliit na komunidad o nang mag-isa.

    Ang kanilang mga pang-araw-araw na gawaing misyonaryo ay nakabase sa apat na saligang tagubilin ng pagsamba, kontemplasion, pagbabayad ng kasalanan at misyon.

    Ang kanilang espiritwalidad ay nakasentro sa pagmamahal sa PANGINOONG Nakapako sa Krus at sa Pagsamba sa Banal na Eukaristiya. Sila ay kaisa ng mga Banal na Anghel sa isang espesyal na paraan upang kasama nila, sila ay mabuhay at magtrabaho para sa Kaharian ng DIYOS.