Ang OA ay isa ng publikong samahan ng Simbahang Katolika, na legal na kinikilala ayon sa batas ng Simbahan 313 at nagpapalaganap sa ngalan ng Simbahan ...

about image

Ang Kalagayang Eklesiastikal at Legal

Ang OA ay isa ng publikong samahan ng Simbahang Katolika, na legal na kinikilala ayon sa batas ng Simbahan 313 at nagpapalaganap sa ngalan ng Simbahan ang doktrina at debosyon sa mga Banal na Anghel. Ang mga tuntunin nito ay inaprubahan ng Santa Sede sang-ayon sa Derecho Canonico 314.

Sang- ayon sa Derecho Canonico 677 § 2 ang OA ay ipinag-isa sa Order of Canons Regular of the Holy Cross (sa maikli: Order of the Holy Cross), ay pinamamahalaan ng Orden na ito sa ilalim ng kondisyon ng Derecho Canonico 303 at nakikiisa dito sa lahat ng mga apostolado nito.

Diwa at Panloob na Estruktura

Ang OA ay nakabatay sa walang kondisyong kahandaan upang paglingkuran ang DIYOS sa tulong ng mga Banal na Anghel. Sa espiritwal na balangkas nito, ito ay nahahati sa:


1. Ang kaalaman kung ano ang isang Anghel, ano ang ginagawa niya at kung ano ang gusto niya; ngunit kung ano rin ang demonyo, kung ano ang kaniyang ginagawa at kung ano ang gusto niya;

2. Isang buong-puso at malayang pakikipagbuklod ng tao sa Banal na Anghel upang kumilos kasama nila para sa pagdating ng kaharian ng DIYOS;

3. Patnubay sa mapagmahal na pagpapasailalim sa DIYOS, sa pagbabayad ng kasalanan lalo na para sa mga pari.

 

Ang Pagkakakilanlan ng OA

Ang pagkakakilanlan ng samahan ng Opus Sanctorum Angelorum ay nakasalalay sa katotohanan na ang lahat ng mga miyembro nito ay ang debosyon sa mga Banal na Anghel sa lubos nitong kaganapan na ipinahahayag at isinasagawa sa pamamagitan ng isang “Pagtatalaga sa mga Banal na Anghel.”

Sa pamamagitan ng Pagtatalaga sa mga Banal na Anghel, ang indibidwal ay pumasok sa Gawa ng mga Banal na Anghel. Ang Pagtatalaga sa mga Banal na Anghel ay ginagawa ng mga miyembro na nagnanais pang pag-ibayuhin ang mga espiritwal na hangarin ng samahan. Ang Pagtatalaga na ito ay masasabing isang tipan ng mananampalataya sa mga Banal na Anghel, ito ay isang bukal sa loob at malinaw na akto ng pagkilala sa pagiging seryoso ng kanilang misyon at lugar sa ekonomia ng kaligtasan.